November 27th, 2008
malapit na ang pasko !!!
malapit na ang pasko... happy na naman ang lahat pagdating ng 13th month pay. at happy din ang mga holdaper sa pagbantay sino pde mabiktima.. mag-ingat taung lahat at wag basta-basta mag-withdraw ng pera na walang kasama o di kaya, sa mga atm na walng masyadong tao. sana naman, maisip ng mga manong holdaper na isang taong pinaghirapan ng empleyado ang kumita ng pera. kasi sila, isang tutok lang ng balisong o baril nila, pera na agad. ang swerte naman nila !
at pag pasko, nagtatabaan din halos lahat ng tao. panay kasi cholesterol ang handa, maraming inuman, maraming handaan. expect ka, magiging busy ang ER sa mga na-high blood hehehehehe.
at pag new year naman, nadala ba ang mga naputulan ng daliri o kamay nung mga nakaraang taon na wag na magpa-putok? hayyy, expect mo din na dadagsa din sa ER ang mga biktima ni super lolo at boy bawang. pero sana naman, sa may mga baril, tumigil na sa paggamit nito.. para lang ba matawag silang astig kaya sila gagamit nito? maawa kau sa mabiktima nyo. kung anak nyo kaya o apo ang matamaan ng baril ng ibang tao, matutuwa ba kau???
at wag kalimutan, may nasusunugan din pag pasko at new year. faulty wiring ba? minsan sa paggamit ng mumurahing christmas lights.
sana isipin natin na ang pasko, birthday ni Jesus yan.
at isipin din natin, di lang tau maging mabait tuwing pasko. dapat araw-araw kahit di pasko.
